<body><iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=9727354&amp;blogName=rebelbratt&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=BLACK&amp;layoutType=CLASSIC&amp;homepageUrl=http%3A%2F%2Frebelbratt.blogspot.com%2F&amp;searchRoot=http%3A%2F%2Frebelbratt.blogspot.com%2Fsearch" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
miércoles, abril 25, 2007
Panawagan para sa isang kandidato.

Dear Prospero Pichay,

Pangarap ko maging pulis pangkalawakan. Panagarap ko, tuparin mo!

Hoping and forever cute,
Kirsty Alleser

kirsty,
2:36 AM



-l♥ve-

sábado, marzo 03, 2007
Lihim.

May teorya ako, bale base sa aking pag-aanalisa isang taon ang aking ginugol para lamang dito sa aking teorya na sa wakas ay hindi na teorya dahil hindi na ito isang teorya. HAHAHA. Nakalimutan ko kung ano tawag sa isang theory after ma-prove. tsk. tsk.

Anyway, kung ikaw ay nasa jeep, air conditioned lrt/bus/mrt, o nasa pulong nang may naamoy na di kanais-nais tapos kayo'y nagkatinginan, nagkatawanan. Wag ka ng magtanong kung sino sumira ng fresh air, wag mo ng sayangin ang laway mo sa pagtanong kung sino ang salarin. I'm telling you, diba nagkatinginan kayo??? Tas may tumawa or tatawa yung tinignan mo? Oo, voila! Siya ang salarin, para mas maliwanag kung sino yung pinaka-UNAng tumawa siya ang salarin! HAHAHA.

Totoo, proven ko na yan, 100% sure ako diyan. Try mo, hahahaha! Sigurado ako na gawain mo din yan, yung tipong natawa o napapangiti ka, tas para mabawasan ang pagka-obvious, magwo-walk out ka!

Yung iba naman, dinadaan sa galit, yung tipong pag tinignan mo siya sasabihin niyang "Hoy di ako yun!" tas walk out. Defensive ika nga.

Tapos, meron din yung namumutla, kinakabahan na baka mapag-alaman na sila ang salarin. Ayun, sayang marami pa sana akong ilalagay, kaso nakalimutan ko na!

Next time na lang ulit :)

P.S. I'm back!!!!!!!!!! weeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!!! :)

kirsty,
9:07 PM



-l♥ve-

domingo, noviembre 12, 2006
Bagyo

Uy.. nagpost ulit ako..

MUNTING PAALALA:
Wag mong isipin na isa ako sa mga napinsala ng bagyong Milenyo, Paeng at Queenie...

Nakakainis, ang tagal ko na rin palang nawala sa mundong ito. Base sa aking kalkulasyon isa't kalahating buwan na rin ako nalipasan ng sibilasyon dito. Pero okay lang yan, atleast nagbalik na ako... Bweset kasi eh, nasira pa yung pinakamamahal kong antique na computer, bakit kasi hindi na lang bumili ng bago no? Landi kasi ni Inayitz eh.. hahaha joke lang :D

Geh yan lang muna, next time na lang ulit :P labo no? Okay lang yan, MAelouga.. wag mo dibdibin...

kirsty,
4:00 PM



-l♥ve-

lunes, septiembre 18, 2006
gaaaa

Speechless ako. Wala naman akong maiwento kasi biglaan to. Yung isa kasi diyan masyadong excited! UY.. AHAHAHA.

Pero WINDANG ako. Hanggang ngayon, ayos din itong si Jericho Rosales. Kawindang ang bidyo, pag-kanta at pag-gitara niya. Ewan ko kung totoong naggigitara siya o para mas maganda kuno ang kanyang bidyo kelangan niya kumumpas ng kumumpas sa gitara niya na ang kanyang mga daliri e malayo sa fret. Ang tindi ng boses, di ko nakaya! HAHAHAHAHA basta speechless ako. Hindi naman sa na-attract ako, duh... Basta iba ang hatid nito sa akin. Ahahahahahahahahahahahahahahaha.

Pagkatapos ni Stella Ruiz siya naman ang nakita ko, parang, ugh.. ewan.

Sabi ko sa inyo wala naman ako masyado masabi..

[edit]
Ayos ang UE pumapangalawa sa Ateneo. Naalala ko tuloy nung season 68 ng UAAP, kung saan natalo minsan ng UE ang FEU. Sa isang lugar..

taga-UE: Panalo tayo, pre! Kawawa naman yung FEU, pinagbigyan lang naman natin yun mga tol e! Ano sila ngayon? Mga lampaso!
um-oo naman ang iba pang kasama nila

Sadyang pinarinig samin ng aking kaibigan, pagsigawan ba naman niya eh.

Dati yan.. ngayong pumapangalawa sila at kami(FEU) ay ewan, ano kaya nasa isip nila, ano pinagsasabi nila? Yung isa nga diyan todo lait sa FEU eh.

TEKA, sila ba naglalaro, kayo ba?!

No offense, pero ang yabang ng dating sakin lalo na sa nangyari kanina =/. DI ko naman nilalahat na buong taga-UE e ganun. Bakit lang, kelangan maging basehan ng pagkatao mo ang UAAP, bakit kelangan ganun? UAAP lang, di ka na makatulog! 2nd place lang ang SKUL MO, di ka na makatae diyan!

Tanong ko ulit, ikaw ba ang forward? Ikaw ba ang rebounder? Ikaw ba ang shooter? Ikaw captain ball? Ah.. name it bitch.

HARI? ulol!

Di sa nago-over react ako, kaso... Gaaaa I don't need to explain..

[/edit]

kirsty,
9:34 PM



-l♥ve-

lunes, septiembre 04, 2006
School.

Kakatapos lang ng aking Midterm, ayos naman ang mga nakuha ko, di baba ng 100. Kaya ayos lang talaga. Walang ginawa, kakatapos lang ng midterm eh, kaya hinayaan kami ng aming mga Propesor na dumakdak ng dumakadak. Infairness, sa pakikipag-dakdakan eh marami akong natutunan at napag-alaman. Tulad na lang ng mga ito:

Kung di naglibog ang ating mga magulang, wala tayo ngayon.

Lahat tayo ay banlag, exagge lang yung sa iba dahil sa kagahaman..

Si Batista ay half Filipino, kaya nagpapalakas siya dito, nasa MOA siya sa Sept. 6&7

Ang Pag-ibig ay walang dahilan.

Kaya di sumisikat ng todo ang Starstruck Batch 2 ng GMA 7, kasi 2!!! number 2! as in T-W-O!! Channel TWO este number TWO!!

Bawat tao ay may CSF, pag wala ka nito, ibig sabihin may sakit kang Hydrocephalus.

Uso ngayon ang labi ni Angelina Jolie, unang nagpa-lip augment ay si Pops Fernandez.

Kamuka ni Hilary Duff ang dati naming katulong. (di nga! promise!)

At higit sa lahat.....


click for a larger view :) Awww... lost twins :(



BOW!

kirsty,
8:07 PM



-l♥ve-

miércoles, agosto 16, 2006
Shhh..

If that's the case, go on...

**

Pang-200 na posts ko to! Yey, kaso walang maikwento.. Ang alam ko lang ngayon eh di ako masaya sa mga nangyayari sa buhay ko.

kirsty,
2:00 PM



-l♥ve-

miércoles, agosto 09, 2006
Trios

I want to take UPCAT next year. I will pursue my 'dreams' which is to study there and of course taking my ever loving wanted ever since birth course, Fine Arts. So sick of being a Nursing student, yeah I know, sayang, almost 2 years na rin ako sa mundo ng Nursing, pero hindi rin. Hahaha. Labo. Basta yun na yun. Eto na lang..



More of that here :)

kirsty,
7:13 PM



-l♥ve-